BUGHAW

BLUEHEART
Bughaw?
Minsan kulay, minsan ikaw
Pares na paborito, di mawaglit sa balintataw
Bughaw? Ano bang bughaw?
Minsan sa kalangita’y umaapaw
Tumutulo, umaagos sa aking matang mapanglaw

Bughaw?
Sa pagbabaliktanaw,
Nang ito pa ang kulay ng araw
Lagablab ng ‘yong apoy’ nakatutunaw
Bagaman nakapapawi ng uhaw

Bughaw? Ano bang bughaw?
Suot mo nang ika’y pumanaw
Sa kalagitnaan ng init, maaraw
Iniwa’t pinadama ako’y isa lamang langaw

Puso ko’y pawang nabalaraw
Utak ko’y nasabaw
Nang malaman sa mga u-taw,
Pinagpalit sa dugong-bughaw

Ikaw pala’y isang malaking butaw
Dinaig mo pa isang halimaw
Binalewala kayod kalabaw
Tingin saki’y mababaw
Hapdi’t sakit patuloy na sumasaklaw

Puso ko ngayo’y bughaw
Bugbog, sabog ng pahapyaw
Tibok nito’y nanaghoy, sumisigaw
Malamig pa sa hanging sumisingaw
Mga tanong sa isip humihiyaw, sumasayaw

Sa ilalim ng maraming ilaw
Kung san nalulong sa kakaw
Ako’y naligaw
Isang iglap ako’y napukaw
Lahat naging malinaw

Na ayoko na sa ikaw
Makasarili’t matakaw
Ikaw sa aki’y di inagaw
Ikaw mismong bumitaw

At noon pa man sa aking pananaw
Kailanman tayo’y di magsasapaw
Pagkat ako’y pula at ika’y bughaw

4 thoughts on “BUGHAW

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s